Unang Olympic Esports Games, gaganapin sa Saudi Arabia sa 2025

2024-07-24 18:09:11  CMG
Share with:

Inaprubahan, Hulyo 23, 2024, sa ika-142 na sesyon ng International Olympic Committee (IOC), ang panukala na gaganapin ang unang Olympic Esports Games sa Saudi Arabia sa 2025 at unang inihayag ng IOC na magtutulungan sila ng Saudi Arabian Olympic Committee (SAOC) upang idaos ang unang Olympic Esports Games.

 

Ayon sa ulat, 12 taon ang panahon ng naturang kooperasyon sa pagitan ng IOC at SAOC. Matapos maaprubahan ang panukala, agad na magsisimula ang pagpaplano ng kapuwa panig sa pagpili ng lungsod at venue ng palaro, at kukumpirmahin ang detalye gaya ng oras, palaro, at mga pamamaraan ng promosyon ng mga manlalaro.


Salin: Wang Lezheng


Pulido: Ramil