Pagbati sa matagumpay na pagtataguyod ng Pransya ng Olimpiyada, inihayag ng espesyal na kinatawan ni Xi Jinping

2024-08-12 17:18:30  CMG
Share with:

Dumalo, Linggo, Agosto 11, 2024 sa Paris, Pransya, sa pagpipinid ng Ika-33 Olimpiyada sa Tag-init, si Shen Yiqin, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Kasangguni ng Estado ng Tsina.

 

Bago ang seremonya, kinatagpo si Shen ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at ng kanyang asawang si Brigitte Macron.

 

Ipinahayag niya ang pagbati sa tagumpay ng Paris Olimpiyada, at pasasalamat sa panig Pranses sa pagsuporta nito sa delegasyong pampalakasan ng Tsina.

 

Nakipagtagpo rin kay Shen si Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC).

 

Sa kanyang pananatili sa Pransya, bumisita si Shen sa delegasyong pampalakasan ng Tsina, upang ipa-abot ang pangungumusta at pagbati ni Xi, pati na rin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa.

 

Hinimok niya ang mga atleta na patuloy na palaganapin ang diwa ng palakasan at Olimpiyada, at abutin ang makabagong tagumpay para sa inang bayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio