Pagpapalawak sa bagong larangang pangkooperasyong Sino-ASEAN, inaasahan ng ministrong panlabas ng Tsina

2024-08-12 16:47:14  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa seremonya ng pagbubukas ng “ASEAN-China Week 2024,” na ginanap, Agosto 12, 2024, sa lunsod ng Changzhi, lalawigang Shanxi sa hilaga ng Tsina, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa, na sapul nang itatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN noong 2021, natamo ang maraming bunga sa konstruksyon ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig.


Bilang magkaibigang kapit-lugar at dalawang masiglang umuunlad na malaking merkado, mayroon aniyang malaking potensyal sa pag-unlad ang relasyong Sino-ASEAN.


Umaasa si Wang, na mabuting gagamitin ng dalawang panig ang plataporma ng ASEAN-China Week 2024 para talakayin ang pagpapalawak ng bagong larangan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at ibigay ang bagong ambag sa pagtatatag ng mas malakas na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio