Inihayag kamakailan ng Tong Ren Tang, isa sa mga pinakamakasaysayang kompanya ng Tradisyunal na Medisinang Tsino (TCM), na napapa-uso ngayon sa bansa ang mga tinapay na gawa sa halamang-gamot.
Mabentang-mabenta anito ang samu’t-saring tinapay na gawa sa iba’t-ibang halamang-gamot ng Tsina, gaya ng goji o wolfberry, chenpi o pinatuyong balat ng dalanghita, luo han guo o monk fruit, rou gui o cinnamon, itim na linga o black sesame, at iba pa.
Ayon sa teorya ng TCM, ang nasabing mga halamang-gamot ay nakakabuti sa kalusugan ng katawan ng tao, kaya naman ang mga ito ay umaakit ng atensyon ng maraming konsyumer, lalo ng mga kabataan.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio