TCM, popular sa panahon ng Sanfu

2024-07-25 11:28:36  CMG
Share with:


Kasalukuyang nararanasan ng Tsina ang Sanfu, na nangangahulugang pinakamainit na panahon ng taon.

 

Ang Sanfu ngayong taon ay tatagal mula Hulyo 15 hanggang Agosto 23.

 

Kaugnay nito, may kasabihan sa Tsina, na “Ang mga sakit sa Taglamig ay malulunasan sa Tag-init.”

 

Kaya sa panahon ng Sanfu, maraming Tsino ang tumatanggap ng iba’t-ibang lunas ng Traditional Chinese Medicine (TCM) na gaya ng cupping, acupuncuture at scrape therapy, para pagalingin ang kanilang mga katawan at manatiling malusog sa susunod na kalahating taon.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio