Kasama ang kanyang grupo, binista, Agosto 13, 2024, ni Hideo Shimizu, 94 na taong gulang na dating miyembro ng Yunit 731 ng Hukbong Imperyal ng Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) ang Eksibit ng mga Ebidensya ng Krimen ng Yunit 731 ng Hukbong Hapones at dating lokasyon ng nasabing yunit sa lunsod Harbin, lalawigang Heilongjiang, gawing hilagang-silangan ng Tsina para ilantad ang mga kasalanan ng Yunit 731.
Kaugnay nito, sinabi ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinapurihan ng kanyang bansa ang katapangan ni Shimizu sa paglalantad at pagtanggap sa katotohanan ng kasaysayan.
Dapat aniyang seryosong pakinggan ng Hapon ang mga boses ng katarungan mula sa loob at labas ng bansa, tamang kilalanin, at lubos na suriin ang kasaysayan ng pananakop nito.
Malinaw ang mga ebidensya at katotohanan sa paglulunsad ng digmaang bakteryolohiko ng hukbong Hapones noong WWII, ito ay hindi maaaring itanggi o pasinungalingan, diin pa ni Lin.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Rhio
Patuloy na pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, ireponsable – MOFA
Kasunduan sa pagbebenta ng Hapon ng mga “Patriot” misayl sa Amerika, nilagdaan
Agosto 15, ika-77 araw ng paggunita sa pagsuko ng Hapon sa WWII
Amerika, pinakamalaking tagagulo sa kapayapaan ng daigdig matapos ang WWII