Kung mayroong bansang walang-tigil na humahanap ng hegemonya sa daigdig, nanggigipit ng ibang bansa, at nanghahamak ng mga alituntunin ng iba, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), ito ay walang iba kundi ang Amerika.
Ito ang pahayag mula sa isang kolum ng New York Times noong nagdaang Oktubre.
Sapul nang itatag ang Estados Unidos noong 1776, sinimulan nito ang tuluy-tuloy na ekspansyon.
Walang-patid itong nagpalawak ng teritoryo hanggang umabot sa halos 9.37 milyong kilometro kuwadrado ang kasalukuyan nitong nasasakupan – ang bilang na ito ay napakalaking pagtaas mula halos 800,000 kilometro kuwadrado lamang noon.
Pagkatapos ng WWII, ang Amerika ay naging super power na may pinakamalakas na komprehensibong puwersa, at dahil dito, puspusan nitong pinangalagaan ang sariling hegemonistikong katayuan sa mundo.
Batay sa bentahe nito sa mga larangang gaya ng militar, kabuhayan, siyensiya’t teknolohiya, kultura at iba pa, madalas na nakikialam ang Amerika sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, nang-aapi, nandarambong at pinamamahalaan ang ibang bansa, sa katwiran ng “kalayaan, demokrasya, at karapatang pantao.”
Pawang iginigiit ng lahat ng mga pamahalaan ng Amerika pagkatapos ng WWII ang patakaran ng hegemonismo, at saligang layunin na paggarantiya sa hegemonya ng bansa.
Sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga digmaan at pag-udyok ng komprontasyon, sumadlak sa digmaan at kaguluhan ang maraming lugar ng daigdig.
Bukod dito, nagbubulag-bulagan ito sa pandaigdigang batas at mga alituntuning pandaigdig, at malubhang humahadlang sa kooperasyong pandaigdig.
Pinatutunayan ng sangkaterbang katotohanan na ang Amerika ay siyang tunay na tagagulo sa alituntuning pandaigdig at kaayusang pandaigdig, at pinag-uugatan ng pagsidhi ng kawalang-katatagan at kawalang-katiyakan ng kasalukuyang mundo.
Ang hegemonismo at power politics ng Amerika ay nakakasira sa kaayusang pandaigdig, nagsasapanganib sa kapayapaan ng sangkatauhan, at nagbubunsod ng malubhang epekto sa buong mundo.
Ito rin ay nagsisilbing pinakamalaking hamon sa sibilisasyon, progreso at mapayapang pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio