Ipinalabas Agosto 12, 2024 (lokal na oras) ng Amerika, Britanya, Pransya, Alemanya at Italya ang magkakasanib na pahayag hinggil sa isyu ng Gitnang Silangan.
Ayon sa pahayag ng inilabas ng the White House, tinalakay ng mga pinuno ng limang bansa ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at ganap na sinusuportahan ang mga pagsisikap para pahupain ang kaguluhan sa Gaza, maabot ang tigil-putukan at palayain ang mga bihag.
Sinang-ayunan ng limang gobyerno na muling panumbalikin ang negosasyon sa tigil-putukan sa huling bahagi ng linggong ito at nanawagan sa lahat ng panig na gampanan ang kanilang responsibilidad para maabot ang tigil-putukan sa lalong madaling panahon.