Pagsalakay ng IDF sa paaralan sa Gaza, kinondena ng Tsina: tigil-putukan, ipinanawagan

2024-08-14 15:53:51  CMG
Share with:

Sa isang pangkagipitang pulong, Agosto 13, 2024 ng United Nations Security Council (UNSC), sinabi ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na daan-daang inosenteng sibilyan ang nakitilan ng buhay dahil sa pagsalakay ng Israel noong nakaraang linggo sa isang paaralan sa Gaza.

 

Mariin aniya itong kinokondena ng Tsina.

 

Ayon sa makataong tuntunin at internasyonal na batas, hindi dapat maging target ng mga aksyong militar ng Israel Defense Forces (IDF), dagdag niya.

 

Ipinahayag ni Fu na handang makipagtulungan ang Tsina sa komunidad ng daigdig upang mabilis na matigil ang labanan sa Gaza, maibsan ang makataong krisis, ipatupad ang solusyon ng dalawang estado, at makamit ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Gitnang-silangan.

 

Salin: Tala

 

Pulido: Rhio