Patuloy na susuportahan ng Tsina ang Myanmar sa pangangalaga nito ng kalayaan, soberanya, pagkakaisa at integridad ng teritoryo.
Ipinahayag ito Agosto 14, 2024, sa isang pulong sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar, ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kasama ni Than Shwe, dating tagapangulo ng Myanmar State Peace and Development Council.
Sinabi rin ni Wang na sinusuportahan ng Tsina ang Myanmar sa mga pagsisikap nitong makamit ang domestikong rekonsilyasyong pulitikal sa ilalim ng balangkas ng konstitusyon at matagumpayan ang pagdaraos ng pambansang halalan para simulan muli ang demokratikong transisyon nito.
Salin: Belinda
Pulido: Ramil