Sa briefing ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa Yemen na idinaos Agosto 15, 2024, nanawagan si Geng Shuang, Permenenteng Kinatawang Tsino sa UN, sa Houthis na igalang ang karapatan ng nabigasyon ng lahat ng mga barkong mangangalakal sa Red Sea alinsunod sa internasyonal na batas.
Aniya, sinusuportahan ng Tsina ang pagsisikap ng mediyasyon ni Hans Grundberg, Espesyal na Sugo ng UN para sa Yemen, at inaasahan ang mga panig, lalo na mga bansang may inpluwensya sa Yemen, na gaganap ng konstruktibong papel sa bagay na ito.
Nanawagan din siya sa internasyonal na komunidad na dagdagan ang makataong tulong, at tulungang pahupain ang matinding makataong kalagayan sa Yemen.
Nanawagan pa si Geng na isakatuparan sa lalong madaling panahon ang mga resolusyon 2712, 2720, 2728, at 2735 ng UNSC, para makamit ang agaran at pangmatagalang tigil-putukan sa Gaza at isulong ang mas maagang pagbaba ng tensyon sa rehiyong, kabilang ang Yemen at Red Sea.
Nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa internasyonal na komunidad upang gumawa ng mga pagsisikap para sa isang pampulitikang solusyon para sa isyu ng Yemen.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil