Sa kanyang talumpati Hulyo 23, 2024 sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa isyu ng Yemen, nanawagan si Fu Cong, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, sa Houthi movement na igalang ang karapatan ng mga komersyal na barko ng iba’t-ibang bansa sa paglalayag sa katubigan ng Red Sea, sa ilalim ng pandaigdigang batas, itigil ang mga panliligalig, at panatilihin ang kaligtasan ng daluyan ng katubigang ito.
Binigyang-diin niya na dapat palakasin ng internasyonal na komunidad ang makataong tulong sa Yemen, suportahan at tulungan ang pamahalaan ng Yemen at mga mamamayan nito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Patuloy aniya na makikipagtulungan ang Tsina sa internasyonal na komunidad upang gumawa ng walang humpay na pagsisikap na malutas ang isyung pulitikal sa Yemen at mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.
Salin: Du Xuemeng
Pulido: Ramil