Ipinaliwanag Agosto 15, 2024, ng National Development and Reform Commission (NDRC) ng Tsina, pinakamataas na ekonomikong tagaplano ng bansa, ang mga pangunahing tungkulin ng pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran.
Sinabi ni Zhao Chenxin, Pangalawang Puno ng NDRC, sa isang kaganapang idinaos sa Sanming, lungsod ng lalawigang Fujian sa dakong timog silangan ng bansa, na ipapatupad ng NDRC ang mga reporma sa pangangalaga sa ekolohiya, at isusulong ang berde, mababang karbon at de-kalidad na pag-unlad.
Aniya, isasagawa ng NDRC ang mga patakaran sa pananalapi, buwis, pinansyo, pamumuhunan, at pagpepresyo, pati na rin ang mga pamantayan para suportahan ang berde at mababang karbon na pag-unlad.
Nangako din ang komisyon na pipinuhin ang mekanismo para sa pagsasakatuparan ng halaga sa merkado ng mga paninda at serbisyo ng ekosistema, isusulong ang komprehensibong kompensasyon para sa konserbasyon ng ekolohiya, at pabubutihin ang trans-rehiyonal na mekanismo ng kompensasyon para sa konserbasyon ng ekolohiya.
Saad din ni Zhao, palalalimin ng NDRC ang internasyonal na kooperasyon hinggil sa sirkular na ekonomiya, pasusulungin ang pagluluwas ng makabagong teknolohiya, produkto, pamantayan, modelo ng negosyo para sa berde at mababang karbon na pag-unlad, at aktibong lalahok sa pandaigdigang pagsasaayos sa klima.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil