Sa unang preskong idinaos noong umaga ng Oktubre 17, 2022, ng Press Center ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Zhao Chenxin, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma (NDRC) ng Tsina, na ang pagbubukas at pagtutulungan ay tunguhin ng kasaysayan, at ang win-win situation at mutuwal na kapakinabangan ay komong mithiin ng mga mamamayan.
unang preskong idinaos noong umaga ng Oktubre 17, 2022, ng Press Center ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) /Xinhua
Sinabi niyang palagiang mananangan ang Tsina sa ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, aktibong isasakatuparan ang tunay na multilateralismo, at buong tatag na palalawakin ang komprehensibong pagbubukas sa labas, para pasulungin ang globalisasyon ng kabuhayan tungo sa mas bukas, mas inklusibo, at mas balanseng direksyon.
Kaugnay ng umano’y “decoupling” na isinagawa ng ilang bansa, ipinahayag ni Zhao na buong tatag na isasagawa ng Tsina ang estratehiya ng pagpapalaki ng pangangailangang panloob, palagiang palalalimin ang reporma, pabibilisin ang bukas na bagong sistemang pangkabuhayan sa mas mataas na lebel, para pasulungin ang sirkulasyong domestiko at pandaigdig.
Sinabi rin ni Zhao na pasusulugin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, palalakasin ang pag-akit ng mga pondong dayuhan, para mas mabuting magampanan ng mga pondong dayuhan ang positibong papel sa pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad at dual circulation ng ekonomiya ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac