Ipinagdiwang kamakailan sa Baoting Li and Miao autonomous county, lalawigang Hainan, dakong timog ng Tsina, ang 2024 Hainan Seven Fairies Hot Spring Water Fun Festival.
Nagtipun-tipon dito ang mga lokal na residente, mga turistang Tsino at dayuhan, para panoorin ang mga natatanging awit at sayaw ng etnikong Li at Miao ng Tsina, maranasan ang napakasayang parada, at matikman ang masasarap na mga lokal na pagkain.
Ang naturang pestibal ay isang taunang engradeng pambansang tradisyunal na pagdiriwang sa Baoting. Ito ay nanggaling sa alamat ng Pestibal ng Qixi o Araw ng Puso ng Tsina, kung saan ang ikapitong diwata at kanyang asawang si Dong Yong ay nagkita sa tulay ng Magpie.
Para gunitain ang kanilang pag-ibigan, naging isang kaugalian na ito ng mga etnikong Li at Miao ng Tsina na mag-aalay ng panalangin sa ikapitong diwata para magkaroon ng magandang panahon.
Tampok sa pestibal na ito ang masayang pagsaboy ng tubig na sa kasalukuyan ay naging isang katangi-tanging “tarhetang kultural at panturismo” ng Baoting.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil