Ayon sa ulat, isinagawa kamakailan ng Amerika, Pilipinas, Australya at Kanada ang magkakasanib na pagpapatrolya sa South China Sea (SCS). Inihayag ng mga bansang ito na layon nitong magkakasamang harapin ang hamon sa dagat at pangalagaan ang pandaigdigang batas at kaayusang nakabase sa regulasyon.
Sa panahong ito, ini-organisa ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army ng Tsina (PLA) ang joint combat patrols sa karatig na teritoryong pandagat at panghimpapawid sa Huangyan Dao.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 18, 2024 ni Tagapagsalita Zhang Xiaogang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na likas na teritoryo ng Tsina ang Huangyan Dao. Layon ng nasabing joint combat patrols ng Tsina na pangalagaan ang karapatan at proteksyunan ang katahimikang panrehiyon.
Sinabi niya na ang SCS ay ang komong tahanan ng mga bansa sa rehiyong ito, at hindi dapat ito maging isang "hunting ground" para sa mga puwersang panlabas.
Aniya, ang pakikipagsabwatan ng Pilipinas sa mga bansa sa labas ng rehiyon para isagawa ang magkakasanib na pagpapatrolya sa SCS ay labag sa diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), nagdudulot ng panganib sa kapayapaan at katatagan sa SCS, at hindi ito sikat.
Patuloy na isasagawa ng Tsina ang mga kinakailangang hakbangin para determinadong tugunan ang mga probokatibong aksyon na lumalapastangan sa mga karapatan at kapakanan ng Tsina at sumisira sa katatagan ng rehiyon, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil