Kaugnay ng laging pag-angkla kamakailan ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa laguna ng Xianbin Jiao, sinabi Agosto 16, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Xianbin Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina.
Inihayag ng tagapagsalita na ang pagpasok ng walang pahintulot at pananatili ng barko ng PCG sa Xianbin Jiao sa mahabang panahon ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng panig Tsino, malubhang lumalabag sa tadhana ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at nagdudulot ng malubhang banta sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea (SCS).
Sa paraang diplomatiko, iniharap na aniya ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Pilipino na humihiling na agarang itigil ang probokatibong kilos at agarang alisin ang kaukulang barko nito.
Mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang pangyayaring ito, at isasagawa ang malakas na hakbangin upang mapangalagaan ang sariling soberanya ng teritoryo at kasunduhan ng DOC.
Salin: Lito
Pulido: Ramil