Lider ng Biyetnam, sinimulan ang dalaw pang-estado sa Tsina

2024-08-18 17:23:44  CMG
Share with:

 

Dumating ngayong umaga, Agosto 18, 2024, ng Guangzhou, lunsod sa timog Tsina, si To Lam, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansang ito, para pasimulan ang kanyang tatlong araw na dalaw pang-estado sa Tsina.

 

Ang Tsina ay unang bansang dinalawan ni Lam, pagkaraang ihalal siya noong Agosto 3 bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV.

 

Ipinakikita ng pagdalaw na ito ang lubos na pagpapahalaga ng lider na Biyetnames sa relasyon sa pagitan ng dalawang partido at dalawang bansa, sinabi minsan ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Umaasa aniya ang Tsina, na ipagpapatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Biyetnam, at palalalimin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Nakahanda rin ang Tsina, na magsikap kasama ng Biyetnam, para matamo ang tagumpay sa kani-kanilang landas tungo sa modernisasyon, pasulungin ang pandaigdigang usaping sosyalista, at ibigay ang ambag sa rehiyonal at pandaigdig na kapayapaan, katatagan, at kaunlaran, dagdag ng tagapagsalita.


Editor: Liu Kai