Espesyal na Kinatawan ni Xi Jinping, makikidalamhati sa pagyao ni Nguyen Phu Trong sa Biyetnam

2024-07-24 15:27:05  CMG
Share with:

Inanunsyo ngayong araw, Hulyo 24, 2024 ni Tagapagsalita Hu Zhaoming ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na mula Hulyo 25 hanggang 26, magsasadya sa Hanoi, Biyetnam ang delegasyon ng CPC na pamumunuan ni Wang Huning, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), para dumalo sa aktibidad ng pakikidalamhati sa pagyao ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil