Premyer Li: nanawagan na isulong ang kooperasyong Sino-Fiji sa bagong lebel

2024-08-19 17:22:54  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Agosto 18, 2024, sa Beijing, kay Sitiveni Rabuka, Punong Ministro ng Fiji, ipinahayag ni Premiyer Li Qiang ng Tsina, na pasusulungin ng Tsina kasama ng Fiji ang pratikal na kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong lebel para mas mabuting itaguyod ang komong pag-unlad

 


Sinabi niya na palagiang tinitingnan ng Tsina ang Fiji bilang isa sa mga pinakamahalagang partner sa rehiyong Timog Pasipiko.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Fiji para patuloy na maging mapagkakatiwalaang kaibigan ang isa’t isa, at pahusayin ang pagpapalitan sa iba’t ibang antas, upang pasulungin ang mainam at matatag na komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at magdulot ng marami pang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Sinabi naman ni Rabuka na matatag na nananangan ang Fiji sa prinsipyong isang-Tsina at sinusuportahan ang Belt and Road Initiative at serye ng mahalagang inisyatiba na iminungkahi ng Tsina.

 

Nakahanda aniya ang Fiji na lalo pang palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan para buksan ang malawak na kinabukasan ng pakikipagtulungan ng dalawang bansa.

 

Matapos ang pagpupulong, sinaksihan nina Li at Rabuka ang paglalagda ng ilang dokumento ng bilateral na kooperasyon sa mga larangang tulad ng kalakalan at imprastruktura.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil

May Kinalamang Babasahin