PM ng Fiji, bibiyahe sa Tsina

2024-08-10 10:31:12  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Premyer Li Qiang ng Tsina, isasagawa ni Punong Ministro Sitiveni Rabuka ng Fiji ang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula Agosto 12 hanggang 21, 2024.


Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 9, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na sa pananatili ni Rabuka sa Tsina, malalim na magpapalitan sila ng lider ng Tsina ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng Tsina at Fiji at mga mahahalagang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.


Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na ang Fiji ay unang Pacific Island country na may relasyong diplomatiko sa Tsina, at si Rabuka ay isa pang lider ng mga Pacific Island Countries na bibiyahe sa Tsina sa imbitasyon. Ito ay nagpapakita ng mahigpit na relasyon ng Tsina at rehiyong Timog Pasipiko.


Sinabi niya na nitong 49 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, masiglang umuunlad ang relasyong Sino-Fiji, kapansin-pansing bunga ang natamo ng pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa bansa sa iba’t-ibang larangan, bagay na nakakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.


Kasama ng Fiji, nakahanda aniya ang Tsina na sa pamamagitan ng biyaheng ito, ibayo pang mapapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership, at kapit-bisig na maitatatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Fiji.


Salin: Lito

Pulido: Ramil