Katangi-tanging tanawin ng dating minahan, ikinatutuwa ng mga turista

2024-08-19 11:06:37  CMG
Share with:

Ang Small Tianchi na may literal na kahulugang Maliit na Lawang Malaparaiso ay isang natural na lugar para sa mga turista at matatagpuan ito sa nayong Qingfeng, bayang Luodatai, lunsod Liaoyang, lalawigang Liaoning, dakong hilagang-silangan ng Tsina.

 

Noong dati, isa itong minahan at dahil sa ilang pag-ulan, naging maliit na lawa ito na nakabuo ng iba’t ibang kulay dahil sa epekto ng iba’t ibang elementong mineral.

 

Dahil sa katangi-tanging tanawin nito, ito ay umaakit ng maraming turista.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil