Pangkalahatang Kalihim ng CPV, dumating sa Beijing

2024-08-19 17:24:58  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng Tsina, isasagawa mula Agosto 18 hanggang 20, 2024, ni To Lam, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa, ang dalaw-pang-estado sa Tsina.

 

Dumating, gabi ng Agosto 18, 2024, si To Lam sa Beijing.

 

Bago siya dumating sa Beijing, dumalaw si To Lam at kanyang mga kasama sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Puildo:Ramil