MOFA: patuloy na pangangalagaan ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina

2024-08-19 18:21:05  CMG
Share with:

Kaugnay ng ilegal na pagpasok Agosto 19, 2024 ng dalawang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Xianbin Jiao, ipinahayag nang araw ring iyon sa isang regular press conference ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ganap na pananagutan ng Pilipinas ang naturang insidente.

 

Sinabi ni Mao na isinagawa ng China Coast Guard (CCG) ang mga kinakailangang hakbangin laban sa mga bapor ng Pilipinas alinsunod sa lokal at pandaigdigang batas, at ito ay propesyonal, mapagpigil, at istandard.

 

Binigyan-diin ni Mao na ang Xianbin Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao, teritoryo ng Tsina at islang hindi tinitirhan. Nagpadala aniya ang Pilipinas ng mga bapor sa dagat ng Xianbin Jiao sa pagtatangka nitong matustusan ang mga barko ng PCG at naghahangad na makamit ang pangmatagalang pananatili.

 

Ang aksyon ng Pilipinas ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, grabeng lumalabag sa probisyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at sumisira sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Buong tatag na tinututulan ito ng Tsina at patuloy na isasagawa ng Tsina ang matatag na hakbangin ayon sa batas para mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil