Bapor ng Pilipinas, ilegal na pumasok sa karagatan ng Ren’ai Jiao at nagresulta sa pagkagasgas ng bapor ng Tsina – CCG

2024-08-19 11:47:24  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Agosto 19, 2024 ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG) na mga alas-6 kaninang umaga, sa kabila ng paulit-ulit na pagbabala at route control ng panig Tsino, muling walang pahintulot na pumasok ang isang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng Ren’ai Jiao.

 

Ito aniya ay naganap makaraang ilegal na pumasok ang dalawang bapor ng PCG sa karagatan sa paligid ng Xianbin Jiao ng Nansha Qundao.

 

Saad ni Gan, sa kabila ng paulit-ulit na alerto ng panig Tsino, sinasadyang binunggo alas-3:24 ng umaga ng bapor ng PCG ang isang bapor ng CCG na nagsasagawa ng tungkulin nito sa pagpapatupad ng batas sa Xianbin Jiao, sa pamamagitan ng di-propesyonal at mapanganib na paraan, bagay na humantong sa pagkagasgas ng bapor ng Tsina.

 

Ang panig Pilipino ay siyang may ganap na pananagutan sa insidenteng ito, dagdag ni Gan.

 

Diin niya, ang paulit-ulit na probokasyon ng panig Pilipino ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, at nakakasira rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Hinimok niya ang panig Pilipino na agarang itigil ang ganitong probokasyon, kung hindi, ang lahat ng mga resultang dulot nito ay isasabalikat ng panig Pilipino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil