Opisyal ng inilabas Agosto 20, 2024, ang “Black Myth: Wukong,” isang action role-playing game (ARPG) na kauna-unahang AAA video game na domestikong ginawa ng Tsina, at mabilis na naging pinaka hot play sa Steam, isang pandaigdigang plataporma ng distribusyong didyital para sa mga video game na may mahigit 1.2 milyong manlalaro sa buong daigdig.
Idinisenyo ang video game na ito, batay sa inspirasyon ng “Journey to the West,” isa sa mga pinakaklasikong nobelang isinulat noong ika-16 na siglo, at pinagsasama-sama rito ang maraming elemento ng kulturang Tsino na gaya ng mga sinaunang arkitektura ng Tsina.
Gumugol ng anim na taon ang grupo para idisenyo ang laro, gumastos ng mahigit $56 milyong dolyares at ibinida ng bansa sa kauna-unahang pagkakataon ang pangunguna ng AAA video game na ito.
Ipinapakita rin ng sikat na larong "Black Myth: Wukong" sa buong mundo na ang bakas ng kultura ng Tsina ay lumampas na sa mga tradisyunal na hanggahan, kasabay ng pagiging bagong embahador ng mayamang pamana nito.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil