10 sariling-debelop na teknolohiya para sa Olimpiyada sa Paris, inilabas ng CMG

2024-07-18 16:56:28  CMG
Share with:

Inilabas, Hulyo 17, 2024 ng China Media Group (CMG) ang mga aplikasyon para sa 10 sariling-debelop na teknolohiya para sa darating na 2024 Paris Summer Olympics.


 Sa unang pagkakataon, ipapakita ng mga programa ng CMG, na sumasaklaw sa mga seremonya ng pagbubukas at pagsasara, pati na rin ang iba't-ibang kompetisyon, sa pamamagitan ng 4K ultra-high-definition at 3D audio effect. 

Para rito, 1 media center at 3 television studio sa International Broadcast Center (IBC), at isang location shooting site sa Eiffel Tower, ang itinayo.

Pagsasamahin ng CMG ang media cloud at network nito upang makabuo ng isang sistemang may napakalaking computing power at mababang latency upang suportahan ang produksyon ng mga programa sa kapuwa telebisyon at digital na plataporma.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio