Magkasamang pinanguluhan Agosto 21, 2024, sa Moscow, Rusya, nina Permyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministrong Mikhail Mishustin ng Rusya ang ika-29 na regular na pulong ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Rusya, para samantalahin ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa upang igiit ang paggalang sa isa’t isa, hene-henerasyong pagkakaibigan at mutuwal na benepisyo, palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang aspekto, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibong estratehikong koordinadong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.
Sinabi naman ni Mishustin na nakahanda ang Rusya kasama ng Tsina na patuloy na palalimin ang tiwala sa isa’t isa, palawakin ang kooperasyon sa larangan ng ekonomiya, kalakalan, kultura at iba pa, palakasin ang komunikasyon at koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, at mas mabuting mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng Tsina at Rusya.
Nagkasundo ang dalawang panig na kinakailangang higit pang optimisahin ang istruktura ng kooperasyon, patuloy na isulong ang kooperasyon sa mga tradisyunal na larangang tulad ng agrikultura at enerhiya, at palawakin ang kooperasyon sa mga umuusbong na larangang tulad ng didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad. Sasamantalahin din ang pagkakataong idaos ang “Taon ng Kultura ng Tsina at Rusya,” para palalimin ang pagpapalitang kultural at patuloy na palakasin ang internal na puwersang nagtutulak ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Pagkatapos ng pulong, nilagdaan ng dalawang punong ministro ang magkasanib na komunike, at magkatuwang na sinaksihan ang paglalagda ng mga dokumento ng kooperasyon sa edukasyon, agham at teknolohiya at iba pang larangan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil