Premyer Tsino, nagtungo sa Moscow

2024-08-21 16:07:30  CMG
Share with:


Sa paanyaya ni Mikhail Mishustin, Punong Ministro ng Rusya, nagtungo Agosto 20, 2024, si Li Qiang, Premyer ng Tsina sa Moscow, para dumalo sa ika-29 na regular na pulong ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya at magsagawa ng opisyal na pagdalaw sa Rusya.

 

Isang maringal na seremonyang panalubong ang idinaos sa paliparan ng panig Ruso para kay Li.

 

Sinabi ni Li na sapul nang pumasok sa taong ito, dalawang beses ng nagpulong ang lider ng kapuwa bansa, upang gumawa ng mga estratehikong kaayusan para maisakatuparan ang bagong pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso sa bagong makasaysayang panimulang punto ng ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

 

Naniniwala si Li na sa magkasanib na pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na magiging mas maganda ang kinabukasan ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Rusya.

 

Salin: Belinda

 

Pulido: Ramil