"Black Myth: Wukong," nagpapakita ng kulturang Tsino sa daigdig

2024-08-23 13:49:29  CMG
Share with:

 

Isang "unggoy" ang umaakit ng mga manlalaro sa buong mundo, pagkaraang opisyal na ilunsad noong Agosto 20, 2024, ang pinakaaabangang action game na "Black Myth: Wukong" na ginawa ng kompanyang Tsino.

 

Bago ito ilabas, ang laro ay nanguna sa listahan ng pagbebenta sa daigdig sa Steam, isang pinakamalaking plataporma ng pamamahagi ng mga laro sa mundo.

 

Ang "Black Myth: Wukong" ay hango sa klasikong kuwentong mitolohikal ng Tsina na "Journey to the West." Magkakaroon ang mga manlalaro ng isang pakikipagsapalaran na puno ng panganib at kababalaghan, para tuklasin ang mga katotohanan sa likod ng naturang sinaunang alamat.

 

Bilang karagdagan sa masaganang salaysay nito, isinasama ng laro ang mga elemento ng pamanang kultural ng Tsina na tinatawag na Shuo Shu o tradisyonal na pagsasalaysay ng kuwento, at itinatampok din ang mga makatotohanang representasyon ng ilang kilalang lugar na pangkasaysayan at pangkultura ng Tsina na gaya ng Templo ng Yuhuang sa Shanxi, Dazu Rock Carvings sa Chongqing, Templo ng Shisi sa Zhejiang, at iba pa.

 

Ang mga namumukod tanging elementong kultural na ito ay nagdudulot ng karagdagang pansin sa larong ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos