Idaraos mula Setyembre 8 hanggang Setyembre 11, 2024, ang Ika-24 na China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian sa dakong timog-silangan ng Tsina.
Inihayag Agosto 26, 2024, ni Pangalawang Ministro Ling Ji ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, tagapag-organisa ng peryang ito, na sa ilalim ng temang “Pamumuhunang Mag-u-ugnay sa Daigdig,” mahigit 50 aktibidad ng business matchmaking at roadshow ang isasagawa sa 4 araw na kaganapan.
Binigyan-diin ni Ling, na pokus ng CIFIT ang “pamumuhunan sa Tsina,” at layon nitong ipagkaloob ang iba’t-ibang pagkakataon sa mga kompayang dayuhan upang magpalawak ng inobasyon at magpalalim ng presensya sa merkadong Tsino.
Ang mga negosyante mula sa mahigit 90 bansa at internasyonal na organisasyon ay pumirma na para sa kaganapan, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio