Beijing — Idinaos Agosto 31, 2024 ang aktibidad ng Media na “Katuwang ng Aprika.”
Dumalo rito ang mahigit 200 kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig, media, at think tank mula sa Tsina at Aprika.
Sa pamamagitan ng video, dumalo at bumigkas ng keynote speech sa aktibidad si Li Shulei, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Ministro ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC.
Bukod pa riyan, magkakasunod na ipinadala ng mga lider ng Uganda, Central African Republic, at Republic of Seychelles ang mga video greetings sa aktibidad upang ipakita ang kanilang mithiin ng pagpapalakas ng pagpapalitan at pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan ng mediang Tsino at Aprikano.
Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng China Media Group (CMG) na naglalayong palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mediang Tsino at Aprikano at pasulungin ang pagpapalitan ng sibilisasyon sa ilalim ng panahong didyital.
Salin: Lito
Pulido: Ramil