Tsina at Amerika, magpupulong sa pagpapalakas ng aksyon sa klima

2024-09-03 16:32:03  CMG
Share with:

Sinabi Setyembre 2, 2024, ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na magdaraos ang Tsina at Amerika ng ikalawang pagpupulong ng Working Group on Enhancing Climate Action in the 2020s.

 

Bibisita sa Tsina mula Setyembre 4 hanggang Setyembre 6 si John Podesta, U.S. Senior Advisor to the President for International Climate Policy at pangunguluhan ang pulong kasama si Liu Zhenmin, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima.

 

Inaasahang idaraos ng dalawang panig ang malalimang pagtalakay sa praktikal na kooperasyon sa loob ng balangkas ng working group, mga domestikong patakaran sa klima sa loob ng dalawang bansa, at mga multilateral na pagsisikap para matugunan ang pagbabago ng klima.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil