Sa pahayag na inilabas Setyembre 1, 2024 (lokal na oras), sinabi ng Unyong Europeo (EU) na isinagawa ng bapor ng China Coast Guard (CCG) ang mga mapanganib na aksyon laban sa mga bapor ng Pilipinas sa South China Sea (SCS).
Nauna rito, inilabas din ng Amerika ang pahayag na nagsasabing ang bapor ng CCG ay may “intensyong banggain” ang bapor ng Pilipinas.
Ngunit, nakita ng buong daigdig na sa loob ng 10 araw, isinagawa ng Pilipinas ang 4 na mapanganib na banggaan sa dagat ng Ren’ai Jiao at Xianbin Jiao ng Tsina.
Maliwanag na pinapatunayan ng on-site video na ang responsibilidad sa naganap na banggaan sa pagitan ng mga bapor ng dalawang bansa ay ganap na nasa Pilipinas at Amerika ang nasa likod nito.
Sa tingin ng Amerika, ang alitang pandagat sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay kasangkapan para isulong ang “estratehiyang Indo-Pasipiko” nito.
Para naman sa EU, nakikialam ito sa mga suliranin sa Asya-Pasipiko para makipagtulungan sa pandaigdigang estratehiya ng Amerika at nais ding palawakin ang impluwensiya nito.
Gayunpaman, hindi maaaring baguhin ng mga aksyon ng Amerika at EU ang katotohanan na ang Xianbin Jiao ay nabibilang sa Tsina, hindi maaaring takpan ang katotohanan na nilabag ng Pilipinas ang soberanya, karapatan, at interes ng Tsina.
Ang SCS ay isang dagat ng kapayapaan at ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan at ekolohikal na kabaitan ng SCS ay ang karaniwang adhikain ng mga bansa sa rehiyon. Ang tamang pagpipilian lang ng Pilipinas ay agarang pag-urong ng ilegal na pananatili ng bapor at pagtigil ng probokasyon.
Walang pag-aalinlangan na determinado ang Tsina na pangalagaan ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil