Delegasyon ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika, lalahok sa Xiangshan Forum

2024-09-04 16:54:00  CMG
Share with:

Lalahok mula Setyembre 12 hanggang 14, 2024, ang delegasyon ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika sa Ika-11 Xiangshan Forum na idaraos sa Beijing.

 

Bukod dito, ipapadala ng Rusya, Ukraine, Israel ang mga eksperto at iskolar para lumahok sa mga nauugnay na aktibidad.

 

Sa kasalukuyan, mahigit 90 opisyal na delegasyon mula sa mga bansa at internasyonal na organisasyon ang kumpirmadong lumahok sa porum, at ang bilang at lebel ng mga kalahok ay muling lumikha ng rekord.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil