Ayon sa ulat, Agosto 29, 2024, gaganapin mula darating na Setyembre 12 hanggang 14 ang ika-11 Beijing Xiangshan Forum at ang mga paghahanda para dito ay halos tapos na.
Hanggang noong Agosto 28, mahigit 90 opisyal na delegasyon mula sa ibang mga bansa at internasyonal na organisasyon ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo, at ang bilang at lebel ng mga kalahok ay umabot sa bagong antas.
Ang tema ng porum na ito ay “Pagtataguyod ng Kapayapaan para sa Pinagbabahaginang Kinabukasan” na naglalayong mangalap ng karunungan, palawakin ang konsensus, pahusayin ang pagtitiwala sa isa’t isa, at itaguyod ang pagbuo ng isang balanse, epektibo, at sustenableng arkitektura ng seguridad.
Salin: Shi Weiyang
Pulido: Ramil