Sa bangketeng panalubong para sa mga panauhin ng 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), Setyembre 4, 2024 sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang FOCAC ay tulong sa pagbabago ng buhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng plataporma ng konstruksyon ng mga kalsada, daambakal, paaralan at ospital.
Dagdag niya, ang konstruksyon ng komunidad na may pinababahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika ay mayroong matatag na pundasyon, mataas na puntong panimula, at maningning na kinabukasan.
Ito ay magandang modelo para sa konstruksyon ng komunidad na may pinababahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, saad ni pa ni Xi.
Kahit ano aniya ang pagbabago sa pandaigdigang kalagayan, magiging mas mabuti ang pagkakaibigan ng Tsina at Aprika.
Dumalo sa bangkete sina Pangulong Xi at Unang Ginang Peng Liyuan, at mga panauhing kinabibilangan ng mga puno ng estado at pamahalaan at kani-kanilang kabiyak ng 51 bansang Aprikano, mga kinatawang pampanguluhan ng 2 bansang Aprikano, tagapangulo ng Unyong Aprikano at pangkalahatang kalihim ng United Nations.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Ugnayan ng Tsina sa mga ka-relasyong bansang Aprikano, pinataas sa estratehikong lebel
FOCAC, binuksan sa Beijing: Xi Jinping, nagtalumpati sa pagbubukas
Tagapangulo ng Konsehong Pampanguluhan ng Libya, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping
Mga panauhing Aprikano na kalahok sa FOCAC, kinatagpo ng pangulong Tsino