Magkakahiwalay na nakipagtagpo Setyembre 3 at 4, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga panauhing Aprikano na kalahok sa 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Kabilang dito sina Pangulong Emmerson Mnangagwa ng Zimbabwe, Pangulong Bola Tinubu ng Nigeria, Pangulong Mohamed Ould Cheikh Ghazouani ng Mauritania, Pangulong Samia Suluhu Hassan ng Tanzania, Pangulong Filipe Jacinto Nyusi ng Mozambique, Pangulong Hakainde Hichilema ng Zambia, Punong Ministro Abiy Ahmed ng Ethiopia, Pangulong Bassirou Diomaye Faye ng Senegal, Pangulong Teodoro Obiang Nguema Mbasogo ng Equatorial Guinea, at Pangulong Julius Maada Bio ng Sierra Leone.
Bunga ng mga pag-uusap, ang relasyong Sino-Nigerian ay pinataas sa komprehensibo’t estratehikong partnership, at ang relasyong Sino-Mauritian naman ay ini-upgrade sa estratehikong partnership.
Samantala, sinaksihan ng pangulong Tsino, kasama ng mga pangulo ng Tanzania at Zambia, ang pagkalagda ng memorandum of understanding (MoU) sa revitalization project ng daambakal ng Tanzania-Zambia Railway Authority (TAZARA).
Salin: Vera
Pulido: Ramil