Antas ng PM2.5 sa Tsina at Europa noong 2023, mas mababa sa karaniwan – ulat ng WMO

2024-09-05 15:50:53  CMG
Share with:

Ayon sa bagong ulat mula sa World Meteorological Organization (WMO), Setyembre 5, 2024, mas mababa sa karaniwang antas ang lebel ng PM2.5 sa Tsina at Europa noong 2023, dulot ng pagbaba ng anthropogenic emissions.

 

Sinabi naman ni Lorenzo Labrador, isang siyentipiko ng WMO, "Ipinapakita ng datos ng 2023 ang negatibong anomalya, na nangangahulugang bumaba ang PM2.5 kumpara sa reperensiyang panahon na 2003-2023 sa China at Europa."

 

Samantala, sinabi rin ng ulat, na ang masamang siklo ng pagbabago ng klima, sunog sa kagubatan, at polusyon sa hangin ay patuloy na nagdudulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng tao, ekosistema, at agrikultura.


Salin: Wang Lezheng


Pulido: Rhio