Ayon sa datos na inilabas kahapon, Sabado, Enero 23, 2021, sa idinaraos na ika-4 na sesyon ng ika-15 Beijing Municipal People's Congress, bumaba ng 53% ang densidad ng fine particulate matter (PM2.5) sa Beijing nitong 5 taong nakalipas.
Ayon pa rito, noong 2020, ang karaniwang densidad ng PM2.5 sa Beijing ay 38 mikrogram bawat metro kubiko.
Ang bilang na ito ay mas mababa nang 9.5% kumpara sa taong 2019, at pinakamababa sapul nang kauna-unahang kolektahin ang naturang datos noong 2013.
Ipinakikita nito ang tuluy-tuloy na pagbuti ng kalidad ng hangin sa Beijing, at nalalapit na sa ikalawang lebel ng pambansang pamantayan na 35 mikrogram bawat metro kubiko.
Salin: Liu Kai