Mga Pangulo ng Tsina at Gabon, nagtagpo

2024-09-05 14:57:17  CMG
Share with:

Sa pagpupulong, Setyembre 4, 2024 sa Great Hall of the People, Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Brice Clotaire Oligui Nguema ng Gabon, sinabi ng pangulong Tsino, na handang isulong ng Tsina ang Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), bilang isang pagkakataon tungo sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng imprastraktura, agrikultura, kalusugan, at didyital na ekonomiya.

 

Nais din aniya ng Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Gabon sa larangan ng kontra-terorismo at seguridad upang itaguyod ang kani-kaniyang panloob na katiwasayan, at kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

 


Sinabi ni Nguema, na nais aktibong lumahok ng Gabon sa kooperasyon ng "Belt and Road," at patuloy na pagsasama-sama at pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng Gabon at Tsina.

 

Nilagdaan din ng Tsina at Gabon ang ilang mga dokumentong pangkooperasyong sa larangan ng pamumuhunan, kooperasyong pang-ekonomiya, at pagtatayo ng imprastraktura.

 

Si Nguema ay nasa Tsina para sa Summit ng FOCAC.

 

Salin: Belinda


Pulido: Rhio