Mensaheng pambati, ipinadala ng pangulong Tsino sa porum ng kababaihan ng SCO

2024-09-11 16:19:31  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe ngayong araw, Setyembre 11, 2024, bilang pambati sa pagbubukas ng Porum ng Kababaihan ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa lunsod Qingdao, lalawigang Shandong, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang itatag ang porum, mahalagang papel ang ginampanan ng mga kababaihan ng mga bansa ng SCO sa pag-unlad ng organisasyon.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na gaganap ng positibong papel ang porum para pasulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng mga kasaping bansa ng SCO.

 

Kasama ng iba’t-ibang panig, nakahandang isulong ng Tsina ang pag-unlad ng usapin ng mga kababaihan, dagdag ni Xi.