Pagbati at pangungumusta sa Teacher’s Day, ipinaabot ni Xi Jinping

2024-09-10 16:07:52  CMG
Share with:

Ngayong araw, Setyembre 10, 2024 ay ika-40 Teachers' Day sa Tsina.

 

Sa kanyang talumpati sa pambansang pulong sa edukasyon nang araw ring iyon, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati at taos-pusong pangungumusta sa mga guro at ibang mga manggagawa sa sektor ng edukasyon ng bansa.

 

Diin niya, ang paggalang sa mga guro at pagpapahalaga sa edukasyon ay magandang tradisyon ng Nasyong Tsino.

 

Dapat aniyang pataasin ang katayuang pulitikal, panlipunan at propesyonal ng mga guro, palakasin ang paggarantiya sa benepisyo ng mga guro, pataasin ang pamantayan ng haba ng serbisyo sa sahod sa mga guro sa primaryo at sekundaryong paaralan, pabutihin ang polisya sa subsidiya ng pamumuhay sa mga guro sa kanayunan, at pasulungin ang reporma sa sistema ng sahod sa mga kolehiyo at unibersidad.

 

Ipinagdiinan din ni Xi ang pangangailangan sa pagpapaibayo ng pagbibigay-gantimpala sa mga namumukod tanging guro, upang matamasa ng mga guro ang mataas na prestihiyo sa lipunan at maging pinaka-iginagalang na trabaho sa lipunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil