Ipinatalastas, Setyembre 10, 2024 ng Ministri ng Pananalapi ng Kanada ang pagsasagawa ng 30 araw na pampublikong konsultasyon hinggil sa planong pagpapataw ng karagdagang buwis sa mga produktong Tsino na kinabibilangan ng baterya, semikonduktor, produktong solar, at mahalagang mineral.
Kaugnay nito, ipinahayag, Setyembre 11, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nagbulag-bulagan ang Kanada sa mga kaototohanan, at nagsasagawa ng plano sa unilateral na sangsyon sa Tsina.
Ito aniya ay malubhang hadlang sa normal na kooperasyon ng kabuhayan at kalakalan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Ang aksyon ng Kanada ay mapanganib, iresponsable, at ito’y mariing tinututulan ng panig Tsino, anang tagapagsalita.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Kanadyano na igalang ang katotohanan at sundin ang tadhana ng World Trade Organization (WTO).
Dagdag niya, gagamitin ng Tsina ang mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang lehitimong kapakanan ng bahay-kalakal ng bansa.
Salin:Ernest
Pulido:Rhio