Matatagpuan sa Kontado (county) ng Burang, Prepektura ng Ngari, Rehiyong Awtonomo ng Xizang, dakong timog-kanluran ng Tsina, ang Lawa ng Mapam Yumtso ay isa sa tatlong “sagradong lawa” ng Xizang.
Sa lokal na wika ng mga taga-Xizang, ang “Mapam Yumtso” ay literal na nangangahulugang “di-masusupil na lawa ng turkesa.”
Ang lawang ito ay nasa lugar na may 4,588 metro mula sa lebel ng dagat, at mayroong lawak na 412 kilometro kuwadrado at karaniwang lalim na 46 metro.
Ang malinaw na lawa, malawak na luntiang damuhan at kagilas-gilas na bundok na nakukumutan ng niyebe ay magkasamang bumubuo ng magandang tanawin.
Halina’t pagmasdan natin ang Lawa ng Mapam Yumtso sa pamamagitan ng aerial drone video.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio