Matatagpuan sa Kontado (county) ng Zanda, Prepektura ng Ngari, Rehiyong Awtonomo ng Xizang, dakong timog-kanluran ng Tsina, ang “Zanda Earth Forest” ay pinaka-tipikal at pinakamalawak na tertiary strata earth forest sa Mundo.
Ang terminong tertiary strata earth forest ay tumutukoy sa ekosistema ng kagubatan na matatagpuan, o malapit sa mga patong ng bato (strata) mula sa Panahong Tertiary ng planetang Mundo.
Maaari rin itong tumukoy sa isang tanawin o pormasyon ng heolohiya mula sa Panahong Tertiary, na may mga katangiang katulad ng isang "kagubatan," gaya ng mga haligi ng bato o mga patayong pormasyon na nabuo dahil sa erosion.
Mayroon lawak na mga 2,464 kilometro kuwadrado na nakakalat sa lupaing may taas na 3,750 hanggang 4,500 metro mula sa lebel ng dagat, ang Zanda Earth Forest ay inilakip sa listahan ng mga pambansang parkeng heolohikal ng Tsina noong 2005.
Halina’t pagmasdan natin ang katangi-tangi at kagilas-gilas na tanawin ng Zanda Earth Forest sa pamamagitan ng aerial drone video.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio