Bilang pagdiriwang sa papalapit na bakasyon ng Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw ng Tsina, binuksan ngayong araw, Setyembre 14, 2024 sa Beijing Garden Expo Park, Distrito ng Fengtai, Beijing, kabisera ng Tsina, ang “Beijing Color Lantern Festival – 2024 Beijing Mid-Autumn at National Day Lantern Tour,” na tatagal hanggang Oktubre 31.
Itatanghal sa naturang kaganapan ang humigit-kumulang 100,000 makukulay na mga parol at mahigit 200 lantern set na magtatampok sa pinakakilang mga parol ng Zigong at lokal na kultura ng Beijing, na lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan ng pagdaraos ng pestibal ng parol sa Beijing.
Halina’t sundan ang aming lente para pagmasdan ang mga magagandang parol sa Beijing Color Lantern Festival.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil