Kahanga-hangang Mid-Autumn Festival Evening Gala, ipapalabas ng CMG

2024-09-17 08:44:31  CMG
Share with:

Ipapalabas alas-20:00 Martes gabi, Setyembre 17, 2024, ng China Media Group (CMG) ang Mid-Autumn Festival Evening Gala para sa mga manonood ng buong mundo.


Ang nasabing gala ng CMG sa kasalukuyang taon ay maganda, romantiko at masigla, at puno ng atmospera at lakas ng makabagong panahon.


Dahan-dahang magbubukas ang evening gala sa tatlong kabanatang kinabibilangan ng “paglabas ng buwan,” “pagsikat ng buwan” at "liwanag ng buwan.” Sa pamamagitan ng porma ng mapanlikhang sining, matingkad na ipapakita sa mga manonood ang tradisyonal na kulturang Tsino sa mga pagtatanghal na tulad ng mga kanta, sayaw, opera, at instrumental na musika.


Isasahimpapawid din ang evening gala sa mga media ng mga bansang kinabibilangan ng Amerika, United Arab Emirates, Kenya, Bangladesh, Sri Lanka, at Afghanistan, at sa mga media ng Hong Kong at Macao.


Salin: Lito