Samu’t-saring makabagong teknolohiya, itinampok sa 2024 CIFTIS

2024-09-18 14:37:01  CMG
Share with:


Idinaos mula Setyembre 12 hanggang 16, 2024, sa China National Convention Center at Parke ng Shougang sa Beijing, kabisera ng Tsina, ang 2024 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).

 

Kaugnay nito, samu’t-saring makabagong teknolohiya ang itinanghal ng mga kalahok sa Parke ng Shougang.

 

Ipinakita nila ang aplikasyon ng konsepto ng “makabagong kalidad ng produktibong puwersa” sa iba’t-ibang larangang gaya ng serbisyong pantelekomunikasyon, pangkomputer’t pang-impormasyon, serbsiyong pampinansya, at serbisyong pangkultura at panturismo.

 

Sa pamamagitan ng lente ng aming kamera, halina’t tunghayan ang makabagong teknolohiya sa 2024 CIFTIS.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio