Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 20, 2024 kay Ibrahim Sultan Iskandar, dumadalaw na King Sultan ng Malaysia, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, kapit-bisig na isinusulong ng kapuwa bansa ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Kasama ng Malaysia, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina upang maisakatauparan ang mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, mapanatili ang pagdadalawan sa mataas na anatas, mapasulong ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan, mapalawak ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, makamit ang mas maraming pragmatikong bunga, at mas mabuting mabenipisyunan ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni King Sultan Ibrahim na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Malaysia at Tsina, matibay ang pundasyon ng relasyon, mahigpit ang pagdadalawan sa mataas na antas, at kapansin-pansing bunga ang natamo ng kapuwa bansa sa iba’t-ibang larangan.
Inaasahan aniya ng Malaysia na sa pagkakataon ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, industriya, pamumuhunan, hay-tek, agrikultura, at edukasyon.
Nakahanda ang Malaysia na palakasin ang konstruktibong diyalogo sa Tsina upang maitayo ang South China Sea bilang dagat ng kapayapaan, dagat ng pagkakaibigan, at dagat ng kooperasyon, diin pa niya.
Salin: Lito